WET LOOK

WET LOOK
BARREL

Thursday, December 3, 2009

Dear Planner

Magandang araw..sa nag iisang masugid kong taga subaybay..oo ikaw nga..
Sa araw na ito isang liham ang ating natanggap at susubukin nating bigyan ng payo at liwanag ng kaisipan ang ating kaibigan na itago na lang natin sa pangalang...IKAW

Dear Planner,

magandang araw po,sumulat ako para ibahagi ang aking karanasan,

Gabi po noon at madilim na ang paligid,at umuulan,naramdaman ko ang pagtagos nya sa aking laman,masakit sobra dahil yun ang Una,halos maluha ako habang bumabaon pa ito..palalim ng palalim..pinilit kong pigilan ngunit huli na ang lahat..hindi ako makasigaw dahil baka magising pa ang aking mga magulang at kapatid..mahapdi kuya Planner,ayoko ng nangyari ngunit wala akong magagawa miss ko na talaga kasi..nang maramdaman kong lalong lumalim pagkakabaon nito ay bigla ko syang hinugot...at nakita ko ang dugo..napaluha ako..ang sakit..ganun pala pag natinik ka ng ISDA..grabe kuya..hindi pa kasi ako nag hapunan nung araw na yun..sana mapayuhan nyo ako...

Ikaw,

GG ka pala...wala akong maipapayo sayo kundi...Go to H..as in HOSPITAL..sira ULo...

Thursday, October 1, 2009

Tula SA BAHA..!

Marami ang nawala buhay at Rangya..
Bago Dumating yaring Biglaang Trahedya,Simpleng Buhay ay Masaya
Sa isang sabadong lumipas,oo maraming Buhay ang Nawasak..
sa sobrang lakas yaring Ulan,May tinangay na mga Kaanak..
Di pilit maisip marami ang kailangan isagip
sa sopresa ng panahon,ang Biktima'y di Tukoy..
Basta na lang nanalanta,Bigla na lang nagpakilala..
mistulang di mapigilan,nasan na nga ba ang BATHALA..
nasan na ba si INA?tanong ng di ligtas na mga ANAK..
Luha ay Nangilid.Di na sadyang Pumatak,
Trahedya ay inakalang wala na yatang Wakas...
nawala ang ngiti sa maraming pisngi..kanilang inisip di naman sila API dati..
nagbago ang Buhay ng Maraming iilan
kung mag sisimula sila ulit,yan ay tanong paano nga naman..
paano sa SITWASYON..sa Sitwasyong ngayon lang..
Ngayon lang NARANASAN....

Monday, September 21, 2009

SASAKYANG TAO...

Nagising si Maying..late na sya sa opisina..agad siyang nag bihis..di na nakapag agahan sa sobrang pagmamadali..Para... sigaw nya..at dumating ang isang Taong Pedicab..agad siyang Pumasan,patungo sa sakayan ng mga Jeepney..pag karating agad siyang nag hahanap ng sign board Blumentritt..Punuan ang mga Taong Jeepney..halos lahat ng Dumadaan ay may Pasan ng Pasahero..at sa wakas may huminto sa kanyang isang taong jeep "Blumentrit " sabi ng Taong Jeep..Agad na sumakay si maying..habang nasa byahe ay kumakanta ang taong jeep" Nobody Nobody but you' ! Pag dating sa LRT station dali dali syang Bumili ng Ticket at ilang sandali nag hihintay na siya ng Train..pero hindi sasakyang Train..Ito ay Taong Train..pagdating ng taong train ay puno na ito..siksikan kung baga..marami na ang nakapasan sa bawat parte ng taong train..Pati ang for disable and elderly ay punuan..Late na talaga si Maying..mamaya maya pa may dumating na SKIP taongtrain..laking tuwa ni maying at sya makakapasan ng Maayos..maluwag ang kanyang nasakyan..Presko kung baga..Medyo mabagal ang pagdating ng mga taongtrain sa bawat istasyon..ganito rin ang nangyari sa MRT Station...at pag dating sa office..laking Gulat nya...PUNUAN din kasi pati TAONG ELEVATOR..at mahigit 10 minuto bago sya nakasay..ngunit sa kasamaang palad naputol ang Lubid ng taong elevator..at mabilis na lumalaglag ito paibaba at tiyak na ikakasawi ng lahat na nakasakay...ng biglang..BLAGGG..at duon nagising si maying mula sa isang masamang panaginip..siya pala ay nakatulog at patungo sa CEBU..sakay ng isang TAONG EROPLANO...itutuloy...

Thursday, August 27, 2009

MGA BERSO ni COLINTABO...

Malikot,di mapakali,balisa ,nagmamadali,bumabagal,tuliro,
kabado,nakatayo,bigla rin umuupo,pawisan,
kinakabahan,lahat ng NAGATATAE yan ay ALAM..


Ipagkait mo ang Tinapay,and ulam ang kanin
Ipagkait mo pera and langit at ang hangin
Itago mo ang bahay,and mga gamit at awitin
at sa oras na lahat na ay iyong napagkait
Itago mo na ang iyong SARILI..
siguradong PATAY ka sakin Bwisset..

sa sumandaling ako ay Lumayo
dito sa ating sasakyan na halos lahat ay nakatayo..
wag mong isiping iiwan ko ang kasing GANDA mo..
papalipasin ko lamang UTOT mo Neneng ko...


Bakit may tanong na di masagot?
may mga salitang di marurok..
may pangyayari na di natin BATID..
lungkot at ligaya pwede nitong hatid..
pero sa lahat ng tanong at lahat ng sinabi..
paano mo ipapaliwanag kina
PIPI at BINGI...

Tingnan mo mga ibong lumilipad..
Tingnan mo mga babaeng nag lalakad
tingnan mo tao sa Paligid
umikot at igala iyong mga MATA..
sa likod mo sa likod mo...
ahhhhhhhhhhh TRAKTORA...

ako'y gumawa ng DAAn
daan sa karangyaan
DAANg patungo..
pAtungo sa YAMAN..
tama ang iyong Nabasa mahal kong Hirang
Daan koy PALAYO sayo..
sapagkat dati kong MILYONARYO...
ng MAKASAMA kita...
pati SINGKO Tinago mo...